Sunday, December 27, 2009

O hinde!

After ilang months na walang updates, naisipan ko na ring magpost sa wakas! Nadiskubre na kasi ng Dakilang Lumikha kung sino ang mga hardcore fans na gumawa ng blog na 'to. O hinde! Ayun, naashame tuloy kami at di na nag-update. Haha.


Black propaganda!

Oh well, so kanina nakatambay nanaman ako sa National at bigla kong nakita ang self-centered book nito ni Chiz Escudero. Pagkascan ko ng ilang pages...


Ang blurry ng pic. Nagmamadali kasi ako baka sitahin ako ng guard. Haha

me nakita akong komix na mukhang pamilyar! Yep. Si Manix nga ata nagdrowing nung mga komix dun sa biography ni Chiz. Wala lang. Naaliw nanaman ako sa aking discovery. Ahihi. Wahehe.

Basta, ang moral of the story ay magparehistro ka na kung di ka pa nakakarehistro. Extended na ang voters registration. Saka bumoto ka sa 2010. K.

xoxo

Kiera =>


Saturday, October 10, 2009

getting to know you getting to know more about you

Yay! May interview sa Dakilang Lumikha sa latest Kule (Philippine Collegian, opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman)!


Iclick para mabasa. Yay! Buti na lang hi-tech na ang Kule. May on-line downloadable version pa. Article mula dito.

Boo. Wala na, ang pop na ni Manix. Ayaw na namin siyang istalk. Hiatus na. HAHA. Joke.


Isang warm hearting quote mula sa interview...

Anong maipapayo mo sa mga nagsisimula at batang komikero?
"Basta gumawa lang ng gumawa. Sa simula lang yun na parang lahat ng ginagawa mo puro pangit. Kahit badtrip ka na, tuloy lang. Kailangan lang talagang ilabas ang mga pangit, saka lalabas ang mga magagandang ideya. Sa huli, maganda na ang resulta."

Yay! Moral of the story, pangit ka. haha. At dahil pangit ka, bili ka na ng shirt na 'to para di ka na pangit.


Let's support our artsy artsy friends sa kanilang munting tshirt business! Para sa orders, punta lang sa http://doodleshirts.multiply.com :D

Wednesday, September 30, 2009

KOMIKON 2009!



O yes! Malapit na ang Komikon 2009.

KOMIKON 2009!!!!
October 18, 2009
Sunday, 10am - 9pm
Megatrade Hall 1, 5th Level Bldg. B, SM Megamall
Entrance Fee: P80.00

Mas mahal na ng P30 ang entrance. haha. Dun din irerelease ang 12, ang pinakabagong komix ng Dakilang Lumikha. Go na Kikokomix fans! Gawin nating "Kiko Kon" ulit ang Komikon. haha.

Wednesday, September 16, 2009

This is it!

Nalinlang tayong lahat! Haha. Di naman pala secret yung title ng "abangan" na nakalagay sa Blg. 5. 12. 12 lang pala. As in 12 na talaga yung title. Yun na talaga yon.

"Tanga ampotek." - Mahiwagang Dwende

Oh yes! Sa Komikon 2009 sa Oct. 18 na ilalaunch ang bagong komiks ng dakilang lumikha!

Hindi nga lang urban poor friendly ang presyo. P 500. Full of colors daw kasi at hardbound ata. Pabili na lang kayo sa parents niyo. Sabihin niyo advanced Christmas gift. O wag ka na lang magpaload ng ilang linggo. Yay!

:D

Saturday, August 22, 2009

Buukas na pala!

yay!

open na pala ang online voting para sa Komikon Awards! :D


:)

Kilala nyo na kung sinong iboboto ha? :)

Friday, August 21, 2009

Bestfriends Share Secrets!

At dahil Berto and Kiera ang bagong bff's ng bayan, magshashare kami ng secrets you never knew before. Haha.

Umattend ako sa talk ni Manix tungkol sa komix and society chorva sa UP noong Friday. At syempre nag take down notes ako ng bonggang bongga!

Kung nacucurious kayo kung sino naman ang mga idol ni Master Manix, this is it! Sa discussion ni Manix about Experimental Comics at history na rin ng comics in general, nashare niya din ang mga paborito niyang artist.

Isa sa alternative comic artist na nadiscuss niya ay si Daniel Clowes at ang mga comics niyang Art School Confidential at Ghost World. Yung mga kwento daw ng mga komiks ni Clowes ay tungkol sa everyday life. Yung Art School Confidential ay tungkol sa mga weirdo sa Fine Arts at yung Ghost World naman ay kwento ng mag-bffs since high school. Asteeg daw si Clowes kasi simple lang yung drowing saka expressive yung mga characters.





Idol din daw niya si Alan Moore. Malamang familiar na kayo sa kanya. Siya yung author ng V for Vendetta, Watchmen, (na ginawang movie this year na actually, di ko nagets haha) at marami pang iba. Pinakita ni Manix yung mga nakakaamaze na layout sa komix ni Moore. Isa doon ay yung may Mobius Strip scene galing sa komix na Promthea.


Basta asteeg siya. Naluha nga daw si Manix nung nabasa niya yon eh. Amazing!

Isa pa sa mga comics na may kakaibang form na pinakita ni Manix sa talk ay yung mga gawa ni Chris Ware. Ok daw yung mga gawa niya. Simple lang yung kwento parang everyday life din. Ibang klase din yung paglayout niya tulad dito sa comics na 'to na lumabas sa magazine na New Yorker na kahit basahin mo ng paleft to right o kaya naman pa up to down eh magegets mo pa rin. (click nyo to enlarge. asteeg yan. pramis.)


So ayun, na share ko na sa inyo ang amazing notes ko. Asteeg talaga yang mga komix na yan kasi si Master Manix mismo ang nagrecommend. Igoogle nyo na lang at idownload para mabasa. O kung mapera ka, buy at your favorite artsy artsy comics shop na lang. Yay!

Sunday, August 16, 2009

Talk!

Catch Manix on ACLE(up diliman,as/palma hall, room 206,blah,blah,blah).
Talk.

1-4pm.
"Comics as an Art For and a Reflection of Philippine Society"

Mcoy will also be one of the speakers. :D
Mamimigay pa nga ata sya ng libreng komiks! yay! :D

This thursday na, August 20,2009.


organized by: UP Sorsoguenos

*more details

HERE

Sunday, August 9, 2009

ODK!!!!

Online Voting Poll for the Komikon Awards is now OPEN. yay! :D


click here PORN

katamad mag-explain. haha! :D

Saturday, August 1, 2009

Yay! Go out and Vote!

*click*
:)
kilala nyo na kung sino dapat iboto ha? :D HAKOT AWARDS!
Paano bumoto?

VOTING
• Voting period will be from August 10 to September 20, 2009

*Voting Ballots will be available in the following stores:
Comic Odyssey
•Robinson's Place, Level 3 Ermita,Manila
•Robinson's Galleria, Level 3 Expansion Mall,Edsa cor. Ortigas
Comic Quest
•Lower Ground Floor Bldg. A, SM Megamall
•2nd Floor Main Bldg., SM City North Edsa

*ONLINE VOTING POLLS = TBA. *tanungin ang mga freshie sa UP kung san ang TBA.agshihihihi!*

Ano isusulat?

KOMIKS CHARACTER OF THE YEAR:

Bertong Badtrip(yep, that's me!) of Kikomachine Komix, by Manix Abrera

COMICS AID AWARD:

Visual Print Enterprises(yung pangalan lang ang isulat ha?)) has been publishing a large number of great quality local comic books such as Manix Abrera’s Kikomachine, Freely Abrigo’s Kulas, the graphic novel Trese by Budjette Tan and Kajo Baldisimoand Carlo Vergara’s Ang Kagila-gilalas Na Pakikipagsapalaran Ni Zsazsa Zaturnnah. Hopefully more publishers will follow suit.

BEST COMIC: Best Comic Strip Compilation:

Kikomachine by Manix Abrera

BEST COVER: (isama nya lahat ng kaibigan nyo, kahit na yung mga di nakakakilala kay Manix para bumoto, wuhoo! haha)

Die Die Evil Die, Kikomachine Komix book 3 by Manix Abrera

O, Kaligayahang Walang Hanggan Yeh!, Kikomachine Komix book 4 by Manix Abrera

Alab ng Puso sa Dibidib Mo’s Buhay! Kikomachine Komix book 5 by Manix Abrera

BEST CARTOONIST:

Manix Abrera (Kikomachine, Philippine Daily Inquirer)

ps.

magdala lang ng virgin sacrifice to be able to qualify for voting.

nangangain ng tanga ang voting ballots. :)

Monday, July 20, 2009

Dark Secrets Will Be Revealed


Yay! Kung ang Harr Potter 6 ay nag-reveal ng DARK SECRETS, pati si Manix! orayt! :)

ayon sa kanya:

abangan! malapit na! :)

*hindi sya kikomachine komix* hehe ;)

kung papalarin, maila-launch na po sya sa Komikon sa oct.18, megatrade hall sa megamall :) yeh!


:)

Friday, July 3, 2009

let's conspire against the world!!!!

punta ka dito. :)


Tapos ganito gawin mo,
mag-compose ng email at ilagay ito sa Body,
Best Serialized Comic,Best Comic Strip Compilation,
Best Cover(Compilation 1-5),
Best Cartoonist(Manix Abrera), - Kikomachine Komix of Manix Abrera
ilagay sa Subject, KOMIKON AWARDS NOMINATION.
tapos send sa komikon.awards@gmail.com

yay! :D tapos sabihin mo sa lahat ng friends mo! :D


oops, syempre

pakidagdag...
Komiks Character of the Year- Bertomg Badtrip of Kikomachine Komix(Manix Abrera)


:D

Monday, May 18, 2009

Oh yes! KOMIKON 09 Summer Fiesta!

Nung May 16, 2009, dinayo namin ang UP Bahay ng Alumni para sa makita si Manix Abrera sa KOMIKON Summer Fiesta.



and we loved it. yay! :D



May 15...gabi.

Hindi na kami makatulog dahil sa sobrang excitement sa Komikon Summer Fiesta.

the end.

May16. (berto's account)

Madaling araw, gising na si Kiera. Kinailangan nyang gumising ng maaga dahil kailangan ng mahabang oras para sa isang total makeover. Syempre,sino ba naman ang gustong mag-mukhang ngarag sa pagharap sa dakilang lumikha na si Manix Abrera. So ayun, gamit ang kiera-y salalamin-ish magic, nagmukha naman syang presentable. Pagkatapos magayos, hinanda na nya ang kanyang Kiera lunch box, Kiera water jug, Kiera backpack, Kiera cam, and her must-bring-all-the-time, ang kanyang glasses na ginagamit nya sa kanyang pag-reflect-reflect. Oh, but wait, syempre nagdala na din sya ng isang foldable body mirror, just in case na maisip nyang umiskor ng *ehem* alam mo na. aghshihihi! mwah,mwah,mwah!

Pagkatapos ay nag-almusal na sya. Napansin nya na masyado pa palang maaaga, so nagrereflect sya sa bawat bite nya sa kanyang almusal. Kelangan daw i-cherish ang special day na ito para ma-experience mo talaga ang true essence ng Komikon. (:

fast forward... off to UP Bahay ng Alumni.

Yay! Nakarating na si Kiera sa Komikon venue, bago sya pumasok ay hinarang sya ng mga dakilang Marshalls upang kotongan ng 50 pesos, nagbigay naman si Kiera. Akala nya some sort of scam iyon but no, sapilitang pagbili lang pala ito sa isang Justice League poster at isang pamaypay(Komix FAN). And then she was in heaven.

...




Grabe ang pila kay Manix Abrera. Sya ang may pinakamahabang pila ng mga ututing fans. Napansin namin ni Kiera na mukhang bitter ang ibang komikero sa kanya dahil mukhang inaagaw nya ang lahat ng tao sa Komikon. At dahil sa eksenang nasaksihan namin na yun, nakabuo kami ng teorya na baka i-ban na ang Dakilang Lumikha(Manix, syempre)sa susunod na Komikon, or baka gawan na lang sya ng sarili nyang convention, KIKOkon ba. Asteeg, 'no?


Daming tao sa Komikon.
May mga cosplayers, j-zoners, mga disciples ng mga komikeros, oportunistang alam-mo-na, asteeg na komikeros, baduy na komikeros, komikero wanna-be's, etc. :]

And by the way, pumunta din pala si Handog Edukasyon Ranger sa Komikon ngunit sya ay sadyang mailap at itong bakas lang nya ang aming naabutan...



*nakadrowing sa doodle area.

si Handog Edukasyon Ranger ay isa naming bff na superhero. Asteeg.


Anwyay,the event was packed with lotsa cheorvaness, fun-ness, and astig-ness.

And all who came lived happily ever after, baon ang mga Komikon's anik-anik and other memorabilias.


...
This is but another beginning.
May susunod na naman pong Komikon sa October 18,2009 sa SM Megamall,hulaan nyo kung anong oras.
May ibebenta din daw ang Dakilang Lumikha ng bagong shirt designs.
See you there!

Sunday, May 10, 2009

I'm Ready I'm Ready I'm Ready I'm Ready I'm Ready

...pumunta sa KOMIKON 09 Summer Fiesta. Saturday, May 16. UP Bahay ng Alumni.



kasama ang kumpletong Kikomachine Komix collection



at mga extrang papapirmahan kay Master Manix. Yay!

xD

Friday, March 27, 2009

ODK!

Summer na! Yay!

Nagcheck ako ng email kanina at may isang BnK paparazzi na nagpadala nito. ODK! Someone caught me on cam!


Oist! Guarrrrdddd!!!

Yep. Dahil last day na ng classess, napagtripan kong mag-iwan ng marka sa isang blankong poster sa bulletin board sa school.


That's art. xD

Kaya ayun. Di naman ako blinackmail ng paparazzi. Gusto lang daw niya mafeature sa BnK. hehe.

Nagbabalik na sina Berto at Kiera. May Blg. 5 na rin ako. Yay! Abangan ang kaabangabang na "ABANGAN" Kikomachine Komix poster na aming iaanalyze.



At patuloy pa rin kayong magpadala ng mga kung anuanong kontribusyon sa blog natin para hindi naman langawin tulad ng nangyari this month. hehe.

xoxo

Kiera (:

Thursday, March 12, 2009

ahy!


HIATUS :)

Kami ay kasalukuyang abala sa paghahanap ng ika-limang yugto ng Kikomachine Komix. Samahan niyo rin kami. Si Berto ang bida dito. Yay!




Mahina ang pananalig?

Wednesday, March 4, 2009

BNK awards....

on-going ang pagpili sa the best entry for the month of Pebrero. :D
yep, parang sa Oscar's awards lang. :)

Goody Days...



hep,hep... hooray!

marso na!
Gra-gradweyt na ang mga anak, pamangkin, kapatid, at kung sinu-sino pa. Rerenta ng Toga, picture-picture sa mga klasmeyts. Iyakan, yakapan, tawanan, at mga farewell emotions. Goodbye days.




aaaaaah...

Iiwan na ang mga teachers, GOODY klasmeyts, nerd klasmeyt, kwelang janitor, lintek na guard, sumbungerang maintenance staff, cannibal librarians, sleeping quarter's-slash-library-at-guidance-office, FAN girls, intrams, sandamakmak na paper work, mala-impyernong subjects, inuman na group studies, atbp.

yes, iiwan na.



Kakalimutan na 'yung bagsak na quizzes, teacher na nagpahiya sa 'yo dahil 'di mo ma-pronounce ang [insert salita] na ipinabasa sa 'yo, ang crush mo na bumiyak ng puso mo dahil bading pala sya o tibo, ang nililigawan mong na-turn off sa 'yo dahil mabaho ang 'yong kili-kili o dahil iba ang direksyon ng tubo ng buhok sa 'yong kili-kili, kalimutan na ang bitterness sa mga bitches at bullies,at marami pang iba. Oh yes, kalimutan at iwanan na.

Kalimutan.


Forget.

Goody Pakyutsie.








oh yes. Marso is the goodie days.


Ttiyak na mami-miss ng lahat ang klasmeyt na pa-goody. ang klasmeyt na inuutusan nating bumili ng c2 sa canteen, magpapasa ng assignment sa teacher, kopyahan blah,blah...


*sighs*

dahil Marso na, ang tema natin ngayon ay,

"Goody days..."




Teka, parang baduy 'pag ganun.





"Goody-Goody Days..."



Ayan, mas may dating.

Women's month din pala ngayon.orayt! ating galangin ang mga daddy natin at mga kababaihan! yay!

So, nagpasa na ng artwork, literary chorva, dark feminine secrets, sexist essays, atbp. :)


May prize muli sa mapipili. :D Magpasa na!!!

Wednesday, February 25, 2009

agnes hoorayness

Ako nga pala si Wabalax08
isang Kikopal...

ito ang aking weird na tula!!!
Binigyan ko nga pala si Kiera ng Step Sister!!!
si AGNES HOORAYNESS!!!
hehehehehe...

...


Ikaw si Agnes Hoorayness
Binti mo'y napaka-flawless
Ang dami mong kacheorvahness
Kagandahan mo'y more or less...

Ibang Klase iyong Hotness
Ako Tulo'y nagkaka-stress
'Wag mo lang ipa-sapakness
Sa mga ta'ong na badtripness...

Hiling ko ang iyong Freshness
Wag U sanang ma-okrayness
Sa aking kaka-Epalness
Sagot mo sana ay SURENESS...

At Ako'y Mapapa-WoWness
Oh Ikaw Agnes Hoorayness
Tayo'y me Hardcore Commonness"

...

sumisikatness na ata talaga ako. naglalabasan na ang aking mga 'long lost relatives' when all my life I thought it was just me and my reflection. ahihi.

salamat, kikopal! sureness ang hitness nitong tula mo sa mga readers natin. yayness! :D

Monday, February 23, 2009

Handog Edukasyon

Eto ang handog ni daibasu sa pagdiriwang ng National Arts Month ngayong Pebrero. Finale kuno. Haha. Ang makulay na likhang sining na ito ay inspired sa paborito niyang commercial. (:



Salamat sa handog mong doodle, daibasu. It's so warm hearting. Yay!

xD

Saturday, February 21, 2009

give joy to killjoy :)

*ito ang hinandog ng ating kaibigan na itago na lamang natin sa pangalang 'Katrina Guni-Guning Sinta'
ayaw nya po kasi ng publicity kaya mananatiling guni-guni muna sya sa atin :D


matching bg music!



...
`Cheesy Lines Galore`

1. Minamalat na naman ang puso ko..
*** Paano kasi, laging sinisigaw ang pangalan mo..

2. Ikaw ba may-ari ng Crayola??
*** Ikaw kasi nagbibigay ng kulay sa buhay ko..

3. Uy picture tayo!!
*** Para ma-develop tayo!!

4. Kung ikaw ay bola at ako ang player, mashushoot ba kita??
*** Hinde, para lagi kita mamimiss..

5. Can i take your picture??
*** `Coz i want to show Santa exactly what i want for Christmas!!

6. Exam ka ba??
*** Gustong gusto na kasi kitang i-take home eh!!

7. Lecture mo ba ako??
*** Lab kasi kita..

8. Centrum ka ba??
*** Kasi you make my life complete!!

9. Miss pwede ba kita maging driver??
*** Para ikaw na magpapatakbo ng buhay ko..

10. Mahilig ka ba sa asukal??
*** Ang tamis kasi ng mga ngiti mo..

11. Pinaglihi ka ba sa keyboard??
*** Kasi type kita..

12. I hate to say this but... You are like my underwear..
*** `Coz i can't last a day without you!!

13. Ibibili kita ng salbabida..
*** Kasi malulunod ka sa pagmamahal ko..

14. Pwede ba kitang maging sidecar??
*** Single kasi ako eh..

15.Me lisensya ka ba??
*** Coz you're driving me crazy eh..

16. May kilala ka bang gumagawa ng relo??
*** May sira ata relo ko.. Pag ikaw kasi kasama ko, humi­hinto ang
oras ko..

17. I'm a bee..
*** Can you be my honey??

18. Am i a bad shooter??
*** Coz i keep on missing you..

19. May lahi ka bang aswang??
*** Ang pangit mo kasi eh..

20. Naniniwala ka ba sa love at first sight??
*** O gusto mong dumaan ulit ako??

21. Mabilis ka siguro sa mga puzzle noh??
*** Kasi kakasimula pa lang ng araw ko, pero nabuo mo na agad..

22. Excuse me.. Are you a dictionary??
*** Because you give meaning to my life..

23. Bangin ka ba??
*** Nahuhulog kasi ako sa'yo..

24. Pustiso ka ba??
*** Kasi, can't smile without you..

25. Pagod na pagod ka na noh??
*** Maghapon at magdamag kana kasing tumatakbo sa isipan ko eh..

26. Me butas ba puso mo??
*** Kasi natrap na ako sa loob, can't find my way out!!

27. Anung height mo??
*** Pano ka nagkasya sa loob ng puso ko..

28. Hey, did you fart??
*** Coz you blew me away!!

29. Sana "V" na lang ako..
*** Para i'm always right next to "U"

30. Nde tayo tao..Nde tayo hayop…BAGAY tayo…BAGAY tlga tayo…

31. Ako ay isang exam…kaya sagutin mo na ako...

32. Mag empake ka...sama ka sakin....punta tayo home for the aged......
*** Kasi i wanna grow old with you......

33. Alarm clock ka ba?
*** Kasi ginising mo ang natutulog kong puso.....

34. Alam mo bang parang 7-11 ang puso ko?......
*** Kasi 24 oras bukas para sayo.....

35. Nung mahalin kita.....daig ko pa ang na traffic sa edsa......
*** I can't move on....

36. Nakalunok ka ba ng kwitis?
*** Pag ngumiti ka kc...may spark....

37. "Pag ako gumawa ng planeta, gusto ko ikaw ang axis ko..
*** Para sayo lang iikot ang mundo ko.."

38. You look like someone I know
*** My next Girlfriend

39. Ako na magbabayad ng tuition fee mo!
*** Basta pag-aralan mo lang na mahalin ako.

40. Feeling ko mouse tayong dalawa...
*** You know, we just click.

41. Excuse me, tatanong ko lang kung didiretsuhin ko bang daan na `to,
*** O may ibang shortcut sa puso mo?

42. May free time ka ba? Samahan mo naman ako sa psychiatrist. ..
*** Magdala daw kasi ako ng kinababaliwan ko.

43. Kung may business ako, lahat ng tao bebentahan ko ng mura,
*** `Kaw lang ang hindi. Sa'yo lang ako magmamahal.

44. Bukas sisingilin ko na yung bayad mo sa renta...
*** Tagal mo na kasing naninirahan sa puso ko eh.

45. Miss meron ka ba ERASER??
*** Hindi kasi kita mabura sa isip ko.

46. Papapulis kita
*** Ninakaw mo kasi puso ko..

47. I lost my number.
*** Can i have yours?

48. I forgot your name.
***Can i call you mine?

...

so ayun. salamat kay Katrina para sa cheesy lines. natuwa kami. nabigyan kami ng joy sa aming puso't isipan :) kahit na mukhang kinopya lamang ito lahat sa isang site. :D

Wednesday, February 18, 2009

makinig sa mga bituin :)

*dahil pebrero is national arts month,ito ang inialay ni dedpish*

...
kontribusyon ni dedpish :)

nais ko lang po ialay ang aking cosmic energy.

well, here it goes..

*ohmmmm.ohmmmmm.ohmmm*

makakatulong po ang pagsagap sa aking cosmic energy pag tumingin kayo sa aming family picture.

hanapin na lamang ako at tiyak matinding energy ang dadaloy sa inyong katawan.

salamat. :)










...

maraming salamat kay dedpish sa kanyang cosmic energy. :D

tiyak na lalakas lahat ng makakatanggap ng iyong cosmic energy :)

Saturday, February 14, 2009

All I have to do is dream

O, play muna ng background music para masaya. Yay!


Nag-iisa at walang soulmate ngayong balentayns? Eto ang alay kong berso para sa iyo. Oh yes, this fits you and me! Do try this outside your homes. Now na habang may sunlight pa!

Do not be bitter for you are not alone.
Si Kiera ang iyong repleksyon.
Eto na ang da best sulusyon
Gumawa ng kadate na ilusyon

Ihanda na ang iyong kaisipan
Pumwesto sa paboritong restwaran
Maghanap ng mga naglalampungan
Nakaw ng halik sa napupusuan

'Di na mahihirapa't masasaktan
Dala ng pag-ibig at kacheorvahan
Lighting lang, instant na kaligayahan
Parang labstoring yong napanaginipan


click for larger view :))

Ahihi. Wahehe. O sya sya, wag na magpakabitter dyan.

Have a reflective balentayns, beybeh!

xoxo

Kailangan Twilight?

(dahil balentayms na bukas at syempre madaming baduy na magsyota ang mag-lalabing-labing. eto ang inalay ni Christine Berces para sa mga Twilight lovers. orayt! :D)

*ipinasa ni Christine Berces


So. Kailangan lahat ng tao, baliw sa Twilight?


Kailangan pag naglalakad ka, hawak mo yung Twilight book, at dapat, nakaharap yung front cover at nababasa yung "Twilight" para makita.

Kailangan habang naglalakad ka, nagbabasa ka rin ng Twil
ight?

Kailangan, hanggang bus, nagbabasa ka ng Twilight?

Kailangan, kahit nagkakanda-dapa ka na sa LRT dahil naaout of balance ka na, basa ka pa rin ng Twilight?

Kailangan, kahit ang init-init sa FX, kahit nagkakandahilo-hilo ka na, magbabasa ka parin. Kailangan, sinasabi mong "Nahihilo nako.", kahit basa ka parin ng basa ng Twilight. Nagbabasa ka nga ba talaga ng Twilight?

Kailangan pag dadaan ka sa National, tapos mapapadaan ka sa section ng Stephenie Meyer books, kailangan magmuka kang excited at sisigaw ka pa, "SHOCKS TWILIGHT!" Kahit na alam na alam na ng buong mundo na oo,
may librong Twilight dun.

Kailangan wallpaper mo sa desktop, Twilight?

Kailangan, cellphone mo may sticker ng Twilight?

Kailangan, status/shout out/page title mo, "When you can live forever, what do you live for?"

Kailangan, itanong mo rin yang tanong na yan na galing sa
Twilight sa friends mo?

Kailangan, red, white, at black?

Kailangan, iblog na malapit na ipalabas ang Twilight?

Kailangan, mag-GM at iannounce na malapit na ipalabas ang Twilight?

Kailangan, magstatus ka na "I love Twilight"?


Kailangan, lahat ng soundtracks ilalagay mo sa multiply mo?

Baka mamaya, may Twilight backpacks na. Twilight lunchbox. Twilight sando, baka gusto nyo rin.

Kailangan may Twilight Ice Cream? Baka susunod, Twilight Cornic meron na. Twilight Mixed Nuts, baka gusto nyo rin gumawa. Twilight Bawang, pwede rin.

Twilight toothpaste, gawa na rin kayo. Twilight toothbrush, T
wilight shampoo, Twilight soap! =))

SO. Kailangan talaga, Twilight?

Hahahaha!
****
sya ang unang nagpasa. oh yes! ansaya! :)
abangan ang iba pang entries ng mga nagpasa.
ikaw, baka nais mong magpasa ng kahit ano.
artwork ba?
literary work ba?
cosmic energy?
hala sige! gusto namin yan! :D
basta tandaan ang criteria:
Bertoness: 50 %
Kieraness: 50%
tapos meron din guni-guning audience impact: guni-guning 10 percent :)
so what ya waiting for? sakay na sa kumukulong pakulo ni Bertong Badtrip and Kiera Salamingkera
and there's more!
sa 28 ay may award at special na kumukulong prize sa the best entry for this month.
but wait!
gusto mo bang maging BFF ng bayan din?
naghahanap kami ng virgin human sacrifice upang paglagyan ng kaluluwa ni GOODY PAKYUTSIE!!!
oh yes! sya nga. ung pa-goodie na estudyante hanggang sa kamatayan nya. magbabalik na sya kung may nais mag-alay ng kanilang katawan upang paglagyan ng kaluluwa ni Goody Pakyutsie!
eto ang criteria kung nais mong maging Goody Pakyutsie:
1. Goody since kinder.
2. Pakyut na nakakaasar.
3. Vegetarian na kumakain ng fishball.
4. Mahilig magpakulo ng kakyutan at goodness sa mundo through writing
5. at iba pa na maka-Goody Pakyutsie characteristics. :)
mag-apply na! i-email lang kami or kausapin through mental telepathy! :D

Bertong Badtrip, Kiera Salamingkera, and Goody Pakyutsie!!!

hinihintay ka na namin :)



*click for larger view :D


Friday, January 30, 2009

kumukulong baby oil


ang kulit ng lahi nyo. madaming katanungan kung paano daw ang `kumukulong pakulo` namin. magpasa lang ng kahit ano.

pera,sumpa, tseke, canned goods, literary work, doodle, painting, music composition, dance moves, nobela tungkol sa mga ritual bago kumain ng saging, kidney na nakalagay sa boteng puno ng formalin o kung anu man.
argh.

basta tandaan, mag-reflect,reflect muna bago magpasa ng mgta gustong ipasa :)


tandaan, may kumukulong prize ang mapipiling entry. yey! :D

abang-abang lang kayo.


mga dapat abangan...

*walang hiyang shameless plug :D next month na 'to



*malapit na ang balentayms.



Wednesday, January 28, 2009

ABANGAN


berto and kiera surprise!





blog mo, blog ko, blog natin lahat!
gusto mo ba magkalaman na ang blog natin?
magpasa na ng entry sa badtripberto@gmail.com/ salamingkera@gmail.com
next month is pebrero, buwan ng pag-ibig. yebebe!
may surprise prize sa may pinakamagandang entry.
magpasa na! :D

criteria:
bertoness: 50 %
kieraness: 50 %


Tuesday, January 20, 2009

Itutuloy...

kiera:
28
malapit na!
haha

berto:

abangan sa 28!!!


di ko alam kung anong oras, basta 28!!!

malapit na talaga! haha!