Friday, August 21, 2009

Bestfriends Share Secrets!

At dahil Berto and Kiera ang bagong bff's ng bayan, magshashare kami ng secrets you never knew before. Haha.

Umattend ako sa talk ni Manix tungkol sa komix and society chorva sa UP noong Friday. At syempre nag take down notes ako ng bonggang bongga!

Kung nacucurious kayo kung sino naman ang mga idol ni Master Manix, this is it! Sa discussion ni Manix about Experimental Comics at history na rin ng comics in general, nashare niya din ang mga paborito niyang artist.

Isa sa alternative comic artist na nadiscuss niya ay si Daniel Clowes at ang mga comics niyang Art School Confidential at Ghost World. Yung mga kwento daw ng mga komiks ni Clowes ay tungkol sa everyday life. Yung Art School Confidential ay tungkol sa mga weirdo sa Fine Arts at yung Ghost World naman ay kwento ng mag-bffs since high school. Asteeg daw si Clowes kasi simple lang yung drowing saka expressive yung mga characters.





Idol din daw niya si Alan Moore. Malamang familiar na kayo sa kanya. Siya yung author ng V for Vendetta, Watchmen, (na ginawang movie this year na actually, di ko nagets haha) at marami pang iba. Pinakita ni Manix yung mga nakakaamaze na layout sa komix ni Moore. Isa doon ay yung may Mobius Strip scene galing sa komix na Promthea.


Basta asteeg siya. Naluha nga daw si Manix nung nabasa niya yon eh. Amazing!

Isa pa sa mga comics na may kakaibang form na pinakita ni Manix sa talk ay yung mga gawa ni Chris Ware. Ok daw yung mga gawa niya. Simple lang yung kwento parang everyday life din. Ibang klase din yung paglayout niya tulad dito sa comics na 'to na lumabas sa magazine na New Yorker na kahit basahin mo ng paleft to right o kaya naman pa up to down eh magegets mo pa rin. (click nyo to enlarge. asteeg yan. pramis.)


So ayun, na share ko na sa inyo ang amazing notes ko. Asteeg talaga yang mga komix na yan kasi si Master Manix mismo ang nagrecommend. Igoogle nyo na lang at idownload para mabasa. O kung mapera ka, buy at your favorite artsy artsy comics shop na lang. Yay!

1 comments:

leroy said...

yay! haha. kaya pala UP everyday life ang kikomachine komix. :D asteeg.