Friday, March 27, 2009

ODK!

Summer na! Yay!

Nagcheck ako ng email kanina at may isang BnK paparazzi na nagpadala nito. ODK! Someone caught me on cam!


Oist! Guarrrrdddd!!!

Yep. Dahil last day na ng classess, napagtripan kong mag-iwan ng marka sa isang blankong poster sa bulletin board sa school.


That's art. xD

Kaya ayun. Di naman ako blinackmail ng paparazzi. Gusto lang daw niya mafeature sa BnK. hehe.

Nagbabalik na sina Berto at Kiera. May Blg. 5 na rin ako. Yay! Abangan ang kaabangabang na "ABANGAN" Kikomachine Komix poster na aming iaanalyze.



At patuloy pa rin kayong magpadala ng mga kung anuanong kontribusyon sa blog natin para hindi naman langawin tulad ng nangyari this month. hehe.

xoxo

Kiera (:

Thursday, March 12, 2009

ahy!


HIATUS :)

Kami ay kasalukuyang abala sa paghahanap ng ika-limang yugto ng Kikomachine Komix. Samahan niyo rin kami. Si Berto ang bida dito. Yay!




Mahina ang pananalig?

Wednesday, March 4, 2009

BNK awards....

on-going ang pagpili sa the best entry for the month of Pebrero. :D
yep, parang sa Oscar's awards lang. :)

Goody Days...



hep,hep... hooray!

marso na!
Gra-gradweyt na ang mga anak, pamangkin, kapatid, at kung sinu-sino pa. Rerenta ng Toga, picture-picture sa mga klasmeyts. Iyakan, yakapan, tawanan, at mga farewell emotions. Goodbye days.




aaaaaah...

Iiwan na ang mga teachers, GOODY klasmeyts, nerd klasmeyt, kwelang janitor, lintek na guard, sumbungerang maintenance staff, cannibal librarians, sleeping quarter's-slash-library-at-guidance-office, FAN girls, intrams, sandamakmak na paper work, mala-impyernong subjects, inuman na group studies, atbp.

yes, iiwan na.



Kakalimutan na 'yung bagsak na quizzes, teacher na nagpahiya sa 'yo dahil 'di mo ma-pronounce ang [insert salita] na ipinabasa sa 'yo, ang crush mo na bumiyak ng puso mo dahil bading pala sya o tibo, ang nililigawan mong na-turn off sa 'yo dahil mabaho ang 'yong kili-kili o dahil iba ang direksyon ng tubo ng buhok sa 'yong kili-kili, kalimutan na ang bitterness sa mga bitches at bullies,at marami pang iba. Oh yes, kalimutan at iwanan na.

Kalimutan.


Forget.

Goody Pakyutsie.








oh yes. Marso is the goodie days.


Ttiyak na mami-miss ng lahat ang klasmeyt na pa-goody. ang klasmeyt na inuutusan nating bumili ng c2 sa canteen, magpapasa ng assignment sa teacher, kopyahan blah,blah...


*sighs*

dahil Marso na, ang tema natin ngayon ay,

"Goody days..."




Teka, parang baduy 'pag ganun.





"Goody-Goody Days..."



Ayan, mas may dating.

Women's month din pala ngayon.orayt! ating galangin ang mga daddy natin at mga kababaihan! yay!

So, nagpasa na ng artwork, literary chorva, dark feminine secrets, sexist essays, atbp. :)


May prize muli sa mapipili. :D Magpasa na!!!