Wednesday, February 25, 2009

agnes hoorayness

Ako nga pala si Wabalax08
isang Kikopal...

ito ang aking weird na tula!!!
Binigyan ko nga pala si Kiera ng Step Sister!!!
si AGNES HOORAYNESS!!!
hehehehehe...

...


Ikaw si Agnes Hoorayness
Binti mo'y napaka-flawless
Ang dami mong kacheorvahness
Kagandahan mo'y more or less...

Ibang Klase iyong Hotness
Ako Tulo'y nagkaka-stress
'Wag mo lang ipa-sapakness
Sa mga ta'ong na badtripness...

Hiling ko ang iyong Freshness
Wag U sanang ma-okrayness
Sa aking kaka-Epalness
Sagot mo sana ay SURENESS...

At Ako'y Mapapa-WoWness
Oh Ikaw Agnes Hoorayness
Tayo'y me Hardcore Commonness"

...

sumisikatness na ata talaga ako. naglalabasan na ang aking mga 'long lost relatives' when all my life I thought it was just me and my reflection. ahihi.

salamat, kikopal! sureness ang hitness nitong tula mo sa mga readers natin. yayness! :D

Monday, February 23, 2009

Handog Edukasyon

Eto ang handog ni daibasu sa pagdiriwang ng National Arts Month ngayong Pebrero. Finale kuno. Haha. Ang makulay na likhang sining na ito ay inspired sa paborito niyang commercial. (:



Salamat sa handog mong doodle, daibasu. It's so warm hearting. Yay!

xD

Saturday, February 21, 2009

give joy to killjoy :)

*ito ang hinandog ng ating kaibigan na itago na lamang natin sa pangalang 'Katrina Guni-Guning Sinta'
ayaw nya po kasi ng publicity kaya mananatiling guni-guni muna sya sa atin :D


matching bg music!



...
`Cheesy Lines Galore`

1. Minamalat na naman ang puso ko..
*** Paano kasi, laging sinisigaw ang pangalan mo..

2. Ikaw ba may-ari ng Crayola??
*** Ikaw kasi nagbibigay ng kulay sa buhay ko..

3. Uy picture tayo!!
*** Para ma-develop tayo!!

4. Kung ikaw ay bola at ako ang player, mashushoot ba kita??
*** Hinde, para lagi kita mamimiss..

5. Can i take your picture??
*** `Coz i want to show Santa exactly what i want for Christmas!!

6. Exam ka ba??
*** Gustong gusto na kasi kitang i-take home eh!!

7. Lecture mo ba ako??
*** Lab kasi kita..

8. Centrum ka ba??
*** Kasi you make my life complete!!

9. Miss pwede ba kita maging driver??
*** Para ikaw na magpapatakbo ng buhay ko..

10. Mahilig ka ba sa asukal??
*** Ang tamis kasi ng mga ngiti mo..

11. Pinaglihi ka ba sa keyboard??
*** Kasi type kita..

12. I hate to say this but... You are like my underwear..
*** `Coz i can't last a day without you!!

13. Ibibili kita ng salbabida..
*** Kasi malulunod ka sa pagmamahal ko..

14. Pwede ba kitang maging sidecar??
*** Single kasi ako eh..

15.Me lisensya ka ba??
*** Coz you're driving me crazy eh..

16. May kilala ka bang gumagawa ng relo??
*** May sira ata relo ko.. Pag ikaw kasi kasama ko, humi­hinto ang
oras ko..

17. I'm a bee..
*** Can you be my honey??

18. Am i a bad shooter??
*** Coz i keep on missing you..

19. May lahi ka bang aswang??
*** Ang pangit mo kasi eh..

20. Naniniwala ka ba sa love at first sight??
*** O gusto mong dumaan ulit ako??

21. Mabilis ka siguro sa mga puzzle noh??
*** Kasi kakasimula pa lang ng araw ko, pero nabuo mo na agad..

22. Excuse me.. Are you a dictionary??
*** Because you give meaning to my life..

23. Bangin ka ba??
*** Nahuhulog kasi ako sa'yo..

24. Pustiso ka ba??
*** Kasi, can't smile without you..

25. Pagod na pagod ka na noh??
*** Maghapon at magdamag kana kasing tumatakbo sa isipan ko eh..

26. Me butas ba puso mo??
*** Kasi natrap na ako sa loob, can't find my way out!!

27. Anung height mo??
*** Pano ka nagkasya sa loob ng puso ko..

28. Hey, did you fart??
*** Coz you blew me away!!

29. Sana "V" na lang ako..
*** Para i'm always right next to "U"

30. Nde tayo tao..Nde tayo hayop…BAGAY tayo…BAGAY tlga tayo…

31. Ako ay isang exam…kaya sagutin mo na ako...

32. Mag empake ka...sama ka sakin....punta tayo home for the aged......
*** Kasi i wanna grow old with you......

33. Alarm clock ka ba?
*** Kasi ginising mo ang natutulog kong puso.....

34. Alam mo bang parang 7-11 ang puso ko?......
*** Kasi 24 oras bukas para sayo.....

35. Nung mahalin kita.....daig ko pa ang na traffic sa edsa......
*** I can't move on....

36. Nakalunok ka ba ng kwitis?
*** Pag ngumiti ka kc...may spark....

37. "Pag ako gumawa ng planeta, gusto ko ikaw ang axis ko..
*** Para sayo lang iikot ang mundo ko.."

38. You look like someone I know
*** My next Girlfriend

39. Ako na magbabayad ng tuition fee mo!
*** Basta pag-aralan mo lang na mahalin ako.

40. Feeling ko mouse tayong dalawa...
*** You know, we just click.

41. Excuse me, tatanong ko lang kung didiretsuhin ko bang daan na `to,
*** O may ibang shortcut sa puso mo?

42. May free time ka ba? Samahan mo naman ako sa psychiatrist. ..
*** Magdala daw kasi ako ng kinababaliwan ko.

43. Kung may business ako, lahat ng tao bebentahan ko ng mura,
*** `Kaw lang ang hindi. Sa'yo lang ako magmamahal.

44. Bukas sisingilin ko na yung bayad mo sa renta...
*** Tagal mo na kasing naninirahan sa puso ko eh.

45. Miss meron ka ba ERASER??
*** Hindi kasi kita mabura sa isip ko.

46. Papapulis kita
*** Ninakaw mo kasi puso ko..

47. I lost my number.
*** Can i have yours?

48. I forgot your name.
***Can i call you mine?

...

so ayun. salamat kay Katrina para sa cheesy lines. natuwa kami. nabigyan kami ng joy sa aming puso't isipan :) kahit na mukhang kinopya lamang ito lahat sa isang site. :D

Wednesday, February 18, 2009

makinig sa mga bituin :)

*dahil pebrero is national arts month,ito ang inialay ni dedpish*

...
kontribusyon ni dedpish :)

nais ko lang po ialay ang aking cosmic energy.

well, here it goes..

*ohmmmm.ohmmmmm.ohmmm*

makakatulong po ang pagsagap sa aking cosmic energy pag tumingin kayo sa aming family picture.

hanapin na lamang ako at tiyak matinding energy ang dadaloy sa inyong katawan.

salamat. :)










...

maraming salamat kay dedpish sa kanyang cosmic energy. :D

tiyak na lalakas lahat ng makakatanggap ng iyong cosmic energy :)

Saturday, February 14, 2009

All I have to do is dream

O, play muna ng background music para masaya. Yay!


Nag-iisa at walang soulmate ngayong balentayns? Eto ang alay kong berso para sa iyo. Oh yes, this fits you and me! Do try this outside your homes. Now na habang may sunlight pa!

Do not be bitter for you are not alone.
Si Kiera ang iyong repleksyon.
Eto na ang da best sulusyon
Gumawa ng kadate na ilusyon

Ihanda na ang iyong kaisipan
Pumwesto sa paboritong restwaran
Maghanap ng mga naglalampungan
Nakaw ng halik sa napupusuan

'Di na mahihirapa't masasaktan
Dala ng pag-ibig at kacheorvahan
Lighting lang, instant na kaligayahan
Parang labstoring yong napanaginipan


click for larger view :))

Ahihi. Wahehe. O sya sya, wag na magpakabitter dyan.

Have a reflective balentayns, beybeh!

xoxo

Kailangan Twilight?

(dahil balentayms na bukas at syempre madaming baduy na magsyota ang mag-lalabing-labing. eto ang inalay ni Christine Berces para sa mga Twilight lovers. orayt! :D)

*ipinasa ni Christine Berces


So. Kailangan lahat ng tao, baliw sa Twilight?


Kailangan pag naglalakad ka, hawak mo yung Twilight book, at dapat, nakaharap yung front cover at nababasa yung "Twilight" para makita.

Kailangan habang naglalakad ka, nagbabasa ka rin ng Twil
ight?

Kailangan, hanggang bus, nagbabasa ka ng Twilight?

Kailangan, kahit nagkakanda-dapa ka na sa LRT dahil naaout of balance ka na, basa ka pa rin ng Twilight?

Kailangan, kahit ang init-init sa FX, kahit nagkakandahilo-hilo ka na, magbabasa ka parin. Kailangan, sinasabi mong "Nahihilo nako.", kahit basa ka parin ng basa ng Twilight. Nagbabasa ka nga ba talaga ng Twilight?

Kailangan pag dadaan ka sa National, tapos mapapadaan ka sa section ng Stephenie Meyer books, kailangan magmuka kang excited at sisigaw ka pa, "SHOCKS TWILIGHT!" Kahit na alam na alam na ng buong mundo na oo,
may librong Twilight dun.

Kailangan wallpaper mo sa desktop, Twilight?

Kailangan, cellphone mo may sticker ng Twilight?

Kailangan, status/shout out/page title mo, "When you can live forever, what do you live for?"

Kailangan, itanong mo rin yang tanong na yan na galing sa
Twilight sa friends mo?

Kailangan, red, white, at black?

Kailangan, iblog na malapit na ipalabas ang Twilight?

Kailangan, mag-GM at iannounce na malapit na ipalabas ang Twilight?

Kailangan, magstatus ka na "I love Twilight"?


Kailangan, lahat ng soundtracks ilalagay mo sa multiply mo?

Baka mamaya, may Twilight backpacks na. Twilight lunchbox. Twilight sando, baka gusto nyo rin.

Kailangan may Twilight Ice Cream? Baka susunod, Twilight Cornic meron na. Twilight Mixed Nuts, baka gusto nyo rin gumawa. Twilight Bawang, pwede rin.

Twilight toothpaste, gawa na rin kayo. Twilight toothbrush, T
wilight shampoo, Twilight soap! =))

SO. Kailangan talaga, Twilight?

Hahahaha!
****
sya ang unang nagpasa. oh yes! ansaya! :)
abangan ang iba pang entries ng mga nagpasa.
ikaw, baka nais mong magpasa ng kahit ano.
artwork ba?
literary work ba?
cosmic energy?
hala sige! gusto namin yan! :D
basta tandaan ang criteria:
Bertoness: 50 %
Kieraness: 50%
tapos meron din guni-guning audience impact: guni-guning 10 percent :)
so what ya waiting for? sakay na sa kumukulong pakulo ni Bertong Badtrip and Kiera Salamingkera
and there's more!
sa 28 ay may award at special na kumukulong prize sa the best entry for this month.
but wait!
gusto mo bang maging BFF ng bayan din?
naghahanap kami ng virgin human sacrifice upang paglagyan ng kaluluwa ni GOODY PAKYUTSIE!!!
oh yes! sya nga. ung pa-goodie na estudyante hanggang sa kamatayan nya. magbabalik na sya kung may nais mag-alay ng kanilang katawan upang paglagyan ng kaluluwa ni Goody Pakyutsie!
eto ang criteria kung nais mong maging Goody Pakyutsie:
1. Goody since kinder.
2. Pakyut na nakakaasar.
3. Vegetarian na kumakain ng fishball.
4. Mahilig magpakulo ng kakyutan at goodness sa mundo through writing
5. at iba pa na maka-Goody Pakyutsie characteristics. :)
mag-apply na! i-email lang kami or kausapin through mental telepathy! :D

Bertong Badtrip, Kiera Salamingkera, and Goody Pakyutsie!!!

hinihintay ka na namin :)



*click for larger view :D